Iba-Ibang Uri ng Maganda.

Maraming klase ng maganda sa mundo

Di ko man malahat ay susubukan kong sabihin ang mga ito

Mayroong iba-ibang paraan para ilarawan ang maganda

Ngunit hindi lahat ay tunay na kaaya-aya

 

May mga magandang halatang kitang-kita

Yung tipong di mo na kaylangang hanapin kung san banda

Kahit paikut-ikutin at pabaligtarin mo pa,

Wala ka ng masasabi pa kundi “IKAW NA!”

 

May mga maganda namang tanga-tangahan,

Eto yung sinabi mo na nga, di ka pa rin paniniwalan.

Di ka nga ba pinaniwalaan o gustong ulit-ulitin mo lang?

Dali, sabihin mo ulit tas sabay bawi ng “joke lang!”

 

Meron ding magandang masaya kausap

Siya naman yung pag binati mo ang beauty babawi at hindi mailap

Madalas ang sagot niya’y “Ay talaga? Alam mo ikaw rin!”

Astig no? Instant bolahan at nakakataba pa ng damdamin!

 

May magandang simple din at ito ang paborito ko.

Kahit sang anggulo, mapa-inside o outside eh eto ang panalo!

Walang imik kung minsan at hindi papansin.

Eto yung tipong masarap naman talagang mahalin.

 

May isa pang rare na sa ngayon!

Yung magandang hindi naman rin napapanahon,

Siya yung idadaaan lahat sa tula at walang magawa

Parang yung kantang “Gitara” ng Parokya.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s